Add parallel Print Page Options

25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa (A)paglilinis.

26 At sila'y nagparoon kay Juan, at sa kaniya'y sinabi, Rabi, yaong kasama (B)mo sa dako pa roon ng Jordan, (C)na binigyan mong patotoo, narito, siya'y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao'y nagsisiparoon sa kaniya.

27 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.

Read full chapter